Loading...
DAVAO CITY—Sa kabila ng kaniyang iniindang karamdaman, nakuha ng 22-anyos na si Blissie Cervantes na taga-Davao City ang karangalang magna cum laude sa pagtatapos ng kolehiyo noong nakaraang linggo.
Hindi naging hadlang kay Cervantes ang kaniyang kondisyon na osteogenesis imperfecta, isang sakit sa buto.
Nagtapos siya sa Holy Child College of Davao sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management.
Ayon kay Cervantes, walang sekreto upang magtagumpay sa pag-aaral.
"Maminaw sa teacher, musunod sa teacher kung unsay requirements ipasa kung mag-exam, mag-study . . . Just love what you do kay kung burden ang imong ginahimo di man gyud ka ganahan ana peru kung isipon nimo naa kay ma-gain sa imo ginahimo then mahimo nimo kung unsang kaya nimo buhaton," aniya.
(Makinig sa teacher, sundin ang teacher kung ano ang requirements, mag-study kung mag-exam. Just love what you do dahil kung burden sa iyo ang iyong ginagawa, di mo talaga gusto pero kung isipin mong may ma-gain ka sa iyong ginagawa then magagawa mo kung ano ang kaya mong gawin.)
Tatlong taong gulang si Cervantes nang ma-diagnose ang kaniyang sakit.
Dahil sa kaniyang kondisyon, parati niyang kasama ang kaniyang inang si Elsa, na siyang naghahatid at sumusundo sa kaniya sa eskwela.
"Super proud kaayo ko... sa iyang na-achieve karon," ani Elsa.
(Super proud ako sa na-achieve niya ngayon.)
Inspirasyon at idolo rin ng kaniyang mga kaibigan at kaklase si Cervantes.
"Naga-pursige gihapon s'ya ba despite sa iyang circumstances nga naa sa iyaha karon naningkamot gihapon sya, idol gyod nako si Blissie," ani Roselle Carbon, kaibigan ni Cervantes.
(Nag-pursige pa rin siya despite sa kaniyang circumstances na nasa kanya ngayon, nagpursige talaga siya, idol ko talaga si Blissie.)
Ayon sa Holy Child College of Davao, si Cervantes ang nakakuha ng pinakamataas na academic excellence award sa mga nagtapos sa Holy Child College of Davao Mintal Campus ngayong taon.
"I can see Blissie, excellent in academic endeavors based din sa observation ko she has really the passion to study hard in all subjects . . . since the vision of school is first choice Christian learning environment founded by Victoria Leuterio the school wanted to cater to a person with disability" ani Lee Astrologo, guidance counsellor.
Payo ni Cervantes sa kabataan na mag-aral nang mabuti lalo na sa mga walang limitasyon sa pisikal na kondisyon.
Sa ngayon, haharapin naman niya ang paghahanap ng trabaho.
"Knowing nga ubang stores kung mag-apply subayon mn gyod ang downtown isa isahon ang mga companies naay hiring, nagaisip ko nga lisod kaayo para sa akoa kay syempre ubanon nko ako mama ako kuya,mao gyod na pirmi,"ni Blissie
(Knowing ang ibang stores kung mag-aaply pupunta ka sa downtown, isa-isahin mo ang mga companies na may hiring, iniisip ko mahirap talaga dahil siyempre magpapasama ako sa ina at kuya ko, ganyan talaga parati.)
Gusto ni Cervantes magtrabaho sa gobyerno o magnegosyo.
Loading...
Loading...
0 comments:
Post a Comment